Thursday, June 14, 2012

Itabi mo sa gitna

NOON.
Ako: Kuya, tabi lang.
Driver: Sa tabi na lang?
Ako: Opo.

NGAYON.
Ako: Kuya, tabi lang.
Driver: Sa tabi na lang?
Ako: Hindi, itabi mo sa gitna ng kalye para kita kits tayo sa langit!

Natawa ako nung may nakita akong page sa Facebook na SIMULA NG SUMIKAT SI VICE GANDA, WALA NG MAKAUSAP NG MATINO. Tamaaa!

Pero may punto din naman kasi ang mga pambabara ni Vice Ganda. Nakakatanga, pero nakakaaliw naman. Tulad neto.

Ay, brownout?
Hindi, sunset!

Kamusta kayo ng boyfriend mo ngayon?
Yung bf ko ngayon?
Hindi, yung bf mo nung kahapon?

Ipanik ko na po diyan sa taas?
Ipanik mo pababa.

Yung mga ganito, minsan parang nakaka-low IQ talaga. Aminin niyo, masyang mambara ng ganito pero kapag paulit-ulit much, tae! Maghanap ka ng tubero. Barahan pala hanap mo eh.

TIP. Para bumenta at hindi mairita ang babarahin mo, i-lugar at timing-an mo, okay?



Vice Ganda nasa restaurant.

VG: Waiter (sumenyas ng number two sa daliri)
Waiter: Dalawa po?
VG: Hindi, tatlumpo! Kulang kasi yung dalawang daliri ko para sa tatlumpo eh!

VG: Waiter (sumenyas para makuha ang bill)
Waiter: Bill po?
VG: Hindi, pa-picture ako. Pa-picute ako para mabayaran ko mga kinain ko!

No comments:

Post a Comment