Friday, July 6, 2012

Bakit?

Hindi ko rin alam kung saan o paano nagsimula ang mga banat o chessy lines na binibitawan ng mga tao para magpa-cute o para may masabi lang. Basta ang alam ko, maganda ako sabi ni Mama (+) :)

Eh ang pinaka-unang banat na narining ko ay pure english kaya nakalimutan ko na. Tara sa Pinas setting.

Boy: Pustiso ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: I can't smile without you eh.

Tapos nauso rin yung mga green-joke-type na mga banat gaya ng...

Miss, lampara ka ba?
Bakit?
Pahimas nga.

Naalala ko tuloy, nung una kong narinig ito, fail pa! Palpak version: Miss, lampara ka ba? Pahiram nga.

Ano? O diba? Parang ewan! Walang konek. Tulad na lang mga banat na pinauso ni Boy Pick-up (as seen in Bubble Gang, GMA) na in all fairness may pelikula! Ika nga nila, binago niya ang mundo ng pick-up. Tulad nito,

Driver ka ba?
Bakit?
Kasi...may puno kami ng kalamansi.

Nang tumagal pa ay sumikat na rin si Boy Back-up na magsasabing Masarap ang kalamansi juice, boy!

Para may masabi lang talaga eh 'no? Walang kwenta pero tuwang-tuwa tayo. Kagaya na lamang ng post na ito, walang katuturan pero post lang ako ng post para may mai-post lang.

So, anu-ano ang mga banat ang bentang-benta sa iyo? Share na :)

No comments:

Post a Comment