Friday, July 6, 2012

Use it!

Bago pa man nauso ang mga banat at mga pambabara ni Vice Ganda, nauso ang USE IT! Jokes ito na parang Knock Knock Jokes dahil gagamitin mo ang isang salita para... okay, alam na natin ito.

Sa Goin' Bulilit ko madalas marinig ang mga ganitong joke. Na minsan, havey at kadalasan, waley! O baka sadyang napakatanda ko na para matawa sa mga yun.

Eto, sample. Sisimulan ko sa pinaka-corny.

Use CONCLUSION in a sentence.
Use it!
CONCLUSION, hindi tayo makakapasok.

Use OPINION in a sentence.
Use it!
Pero kung OPINION, makakapasok tayo.

Eto, medyo benta naman.

Use ANILAO in a sentence.
Use it!
Hindi ka kasi nagsisipilyo, ayan, ANILAO na ng ipin mo.

Use HAWAII in a sentence.
Use it!
Ang yabang mo ha? Anong gusto mo, HAWAII?

Eto, pinaka-paborito ko!

Use CURTAIN at KITCHEN in a sentence.
Use it!
Huwag mo akong CURTAIN! Masa-KITCHEN!

Bahala na kayong i-gets o i-dig ang mga USE IT na ito. Anu-ano naman ang mga bentang USE IT para sa iyo? Share na :)

No comments:

Post a Comment